Masdan, ako ay patuloy na nagpagal kasama nila; at kapag aking sinasabi ang salita ng Diyos nang may kataliman sila ay nanginginig at nagagalit sa akin; at kapag hindi ako gumagamit ng kataliman ay pinatitigas nila ang kanilang mga puso laban dito; kaya nga, ako ay natatakot na baka ang Espiritu ng Panginoon ay tumigil na ng pamamatnubay sa kanila. Sapagkat labis kung sila ay magalit na sa pakiwari ko ay para bang hindi na sila natatakot sa kamatayan; at nawala na ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa; at sila ay patuloy na nauuhaw sa dugo at paghihiganti.