3 Nephi 1:1–3, 2:9

NGAYON ito ay nangyari na, na ang ikasiyamnapu at isang taon ay lumipas at ito ay anim na raang taon na mula sa panahong lumisan si Lehi sa Jerusalem; at ito ay sa taon na si Laconeo ang punong hukom at gobernador ng lupain. At si Nephi, na anak ni Helaman, ay lumisan sa lupain ng Zarahemla, nagtatagubilin sa kanyang anak na si Nephi, na kanyang pinakamatandang anak na lalaki, hinggil sa mga laminang tanso, at lahat ng talaang iningatan, [i]3340[/i] at lahat ng yaong bagay na iningatang banal simula pa sa paglisan ni Lehi mula sa Jerusalem. Pagkatapos siya ay lumisan sa lupain, at kung saan siya nagtungo, walang taong nakaaalam; at ang kanyang anak na si Nephi ang nag-ingat ng mga talaan na kahalili niya, [i]2991[/i] oo, ang talaan ng mga taong ito. [i]1787[/i]


At si Nephi, na ama ni Nephi, na nangangalaga sa mga talaan, ay hindi na bumalik sa lupain ng Zarahemla, at hindi na natagpuan pa sa buong lupain.

From section: Ang Anak na Lalaki ni Nephi

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary