At ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikasiyamnapu at dalawang taon, masdan, ang mga propesiya ng mga propeta ay nagsimulang ganap na matupad; sapagkat nagsimulang magkaroon ng mga higit na dakilang palatandaan at dakilang himala na ginawa sa mga tao. [i]2990[/i] [i]1788[/i] Subalit may ilan na nagsimulang magsabi na ang panahon ay nakalipas na upang ang mga salita ay matupad, na sinabi ni Samuel, ang Lamanita. At sila ay nagsimulang magsaya laban sa kanilang mga kapatid, sinasabing:
Masdan, ang panahon ay lumipas na, [i]1789[/i]
_at ang mga salita ni Samuel ay hindi natupad;
_anupa’t ang inyong kagalakan at ang inyong pananampalataya hinggil sa bagay na ito
_ay nawalang-saysay.