3 Nephi 1:10–14

Ngayon ito ay nangyari na, nang makita ni Nephi, [i]1793[/i] na anak ni Nephi, ang ganitong kasamaan ng kanyang mga tao, ang kanyang puso ay labis na nalungkot. [i]3342[/i] At ito ay nangyari na, na siya ay lumabas at iniyukod ang sarili sa lupa, [i]2993[/i] at nagsumamo nang buong taimtim sa kanyang Diyos para sa kapakanan ng kanyang mga tao, [i]1794[/i] oo, yaong maaaring mapahamak dahil sa kanilang pananampalataya sa kaugalian ng kanilang mga ama. At ito ay nangyari na, na siya ay nagsumamo nang buong taimtim sa Panginoon sa buong araw na yaon; at masdan, ang tinig ng Panginoon ay nangusap sa kanya, [i]1795[/i] sinasabing:

Itaas mo ang iyong ulo at magalak; [i]3343[/i] sapagkat masdan, dumating na ang panahon, at sa gabing ito ang palatandaan ay makikita, at kinabukasan, paparito ako sa daigdig, [i]1189[/i] upang ipakita sa sanlibutan na tutuparin ko ang lahat ng aking pinapangyaring sabihin ng bibig ng aking mga banal na propeta.

Masdan, ako ay paparito sa sariling akin, [i]2996[/i] upang tuparin ang lahat ng bagay na ipinaalam ko sa mga anak ng tao mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, at upang gawin ang kalooban, kapwa ng Ama at ng Anak—ng Ama dahil sa akin, at ng Anak dahil sa aking laman. At masdan, dumating na ang panahon, at sa gabing ito ang palatandaan ay makikita. [i]2994[/i]

From section: Mga Palatandaan ay Natupad

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary