At ito ay nangyari na, na ang mga salitang sinabi kay Nephi ay natupad, alinsunod sa pagkakasabi sa mga yaon; sapagkat masdan, sa paglubog ng araw ay hindi nagkaroon ng kadiliman; [i]3344[/i] at ang mga tao ay nagsimulang manggilalas dahil sa hindi nagkaroon ng kadiliman nang sumapit ang gabi. [i]1796[/i]
At marami sa hindi nagsipaniwala sa mga salita ng mga propeta, ang nangabuwal sa lupa at nagmistulang mga patay, [i]1797[/i] sapagkat alam nila na ang malaking plano ng paglipol na kanilang inihanda para sa mga naniwala sa mga salita ng mga propeta ay nabigo; sapagkat ang palatandaang ibinigay ay dumating na.
At nagsimula nilang malaman na ang Anak ng Diyos hindi maglalaon ay magpapakita; oo, sa madaling salita, lahat ng tao sa balat ng buong lupa mula sa kanluran hanggang sa silangan, kapwa sa lupain sa hilaga at sa lupain sa timog, ay labis na nanggilalas na ikinabuwal nila sa lupa. Sapagkat alam nila na ang mga propeta ay nagpatotoo sa mga bagay na ito ng maraming taon, at na ang palatandaang ibinigay ay dumating na; at sila ay nagsimulang matakot dahil sa kanilang kasamaan at kanilang kawalang-paniniwala. [i]1798[/i]