3 Nephi 2:12–16

Kaya nga, lahat ng Lamanita na nagbalik-loob sa Panginoon ay nakiisa sa kanilang mga kapatid, ang mga Nephita, at napilitan, para sa kaligtasan ng kanilang mga buhay at kanilang kababaihan at kanilang mga anak, na humawak ng mga sandata laban sa mga yaong tulisan ni Gadianton, oo, at upang mapangalagaan din ang kanilang mga karapatan, at mga pribilehiyo ng kanilang simbahan at ng kanilang pagsamba, at kanilang kalayaan.

At ito ay nangyari na, na bago lumipas ang ikalabingtatlong taong ito, ang mga Nephita ay nanganib na ganap na malipol dahil sa digmaang ito, na naging napakasidhi. At ito ay nangyari na, na yaong mga Lamanita na nakiisa sa mga Nephita ay napabilang sa mga Nephita; At ang sumpa sa kanila ay inalis mula sa kanila, at ang kanilang mga balat ay naging mapuputi na katulad ng mga Nephita;

At ang kanilang mga kabataang lalaki at babae ay naging napakakaaya-aya, at napabilang sila sa mga Nephita, at tinawag na mga Nephita. [i]3349[/i] At sa gayon nagtapos ang ikalabingtatlong taon.

From section: Labanang Gadianton-Nephita

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary