3 Nephi 2:17–19

At ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikalabing-apat na taon, ang digmaan sa pagitan ng mga tulisan at ng mga tao ni Nephi ay nagpatuloy at naging napakasidhi; gayon pa man, ang mga tao ni Nephi ay nagtamo ng kaunting kalamangan sa mga tulisan, hanggang sa kanilang naitaboy sila palabas ng kanilang mga lupain patungo sa mga bundok at patungo sa kanilang mga lihim na lugar.

At sa gayon nagtapos ang ikalabing-apat na taon. At sa ikalabinglimang taon sila ay sumalakay laban sa mga tao ni Nephi; at dahil sa kasamaan ng mga tao ni Nephi, at sa marami nilang alitan at mga pagtatalu-talo, ang mga tulisan ni Gadianton ay nagtamo ng malaking kalamangan sa kanila. [i]3350[/i] At sa gayon nagtapos ang ikalabinglimang taon, at sa gayon ang mga tao ay nasa kalagayan ng maraming paghihirap; at ang espada ng pagkalipol ay nakaumang sa ulunan nila, kung kaya nga’t sila ay babagabagin na sana nito, at ito ay dahil sa kanilang kasamaan.

From section: Labanang Gadianton-Nephita

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary