At isinulat ko ang liham na ito sa iyo, Laconeo, at umaasa akong isusuko ninyo ang inyong mga lupain at inyong mga pag-aari, nang walang pagdadanak ng dugo, upang mabawi nitong mga tao ko ang kanilang mga karapatan at pamahalaan, na mga tumiwalag mula sa inyo dahil sa inyong kasamaan sa pagkakait sa kanila ng kanilang mga karapatan sa pamahalaan, at maliban kung gagawin ninyo ito, ipaghihiganti ko ang kanilang mga kaapihan. Ako si Giddianhi.