3 Nephi 4:13–14

At ito ay nangyari na, na iniutos ni Gidgiddoni na tugisin sila ng kanyang mga hukbo hanggang sa mga hangganan ng ilang, at na wala silang bubuhayin ni isa man sa mga babagsak sa kanilang mga kamay sa daan; at sa gayon nila tinugis sila at pinagpapatay sila, hanggang sa mga hangganan ng ilang, maging hanggang sa matupad nila ang kautusan ni Gidgiddoni. At ito ay nangyari na, na si Giddianhi, na tumindig at nakipaglaban nang buong tapang, ay tinugis nang siya ay tumakas; at sanhi ng kapaguran dahil sa kanyang labis na pakikipaglaban siya ay naabutan at napatay. At gayon ang naging wakas ni Giddianhi, ang tulisan. [i]3364[/i]

From section: Pagsalakay Militar ng mga Gadianton

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary