At ito ay nangyari na, na si Nephi—na dinadalaw ng mga anghel at gayon din ng tinig ng Panginoon, kaya nga dahil sa nakakita ng mga anghel, at naging saksi, at may kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya na malaman niya ang hinggil sa ministeryo ni Cristo, at saksi rin sa kanilang mabilis na pagbalik mula sa kabutihan sa kanilang kasamaan at mga karumal-dumal na gawain; [i]3381[/i]
Samakatwid, dahil sa pagdadalamhati sanhi ng katigasan ng kanilang mga puso at pagkabulag ng kanilang mga pag-iisip—ay humayo sa kanila sa taon ding yaon, at nagsimulang magpatotoo, nang buong tapang, ng pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. At siya ay nangaral ng maraming bagay sa kanila; [i]3000[/i] at lahat ng ito ay hindi maaaring isulat, at ang isang bahagi ng mga ito ay hindi makasasapat, kaya nga, ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito. At si Nephi ay nangaral nang may kapangyarihan at dakilang karapatan.