3 Nephi 7:18–20

At ito ay nangyari na, na sila ay nagalit sa kanya, maging dahil sa nakahihigit ang kanyang kapangyarihan kaysa sa kanila, sapagkat hindi maaaring hindi nila paniwalaan ang kanyang mga salita, sapagkat napakalaki ng kanyang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo na naglilingkod ang mga anghel sa kanya sa araw-araw. At sa pangalan ni Jesus siya ay nagpapalayas ng mga diyablo at masasamang espiritu; at maging ang kanyang kapatid na lalaki ay binuhay niya mula sa pagkamatay, matapos siyang pagbabatuhin at nagdanas ng kamatayan sa mga tao. [i]3382[/i] At nakita ito ng mga tao, at nakasaksi rito, at nagalit sa kanya dahil sa kanyang kapangyarihan; at gumawa rin siya ng marami pang mga himala, sa paningin ng mga tao, sa pangalan ni Jesus.

From section: Ang Ispirituwal na Ministeryo ni Nephi

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary