Subalit masdan, si Moronihas ay nangaral ng maraming bagay sa mga tao dahil sa kanilang kasamaan, at gayon din sina Nephi at Lehi, na mga anak na lalaki ni Helaman, ay nangaral ng maraming bagay sa mga tao, [i]3310[/i] oo, at nagpropesiya ng maraming bagay sa kanila hinggil sa kanilang mga kasamaan, at kung ano ang mangyayari sa kanila kung hindi sila magsisisi ng kanilang mga kasalanan. At ito ay nangyari na, na sila ay nagsisi, at yaman din lamang na nagsisi sila ay nagsimula silang umunlad.
Sapagkat nang makita ni Moronihas na nagsisi sila ay nangahas siyang pamunuan sila nang lugar sa lugar, at lunsod sa lunsod, maging hanggang sa mabawi nila ang kalahati ng kanilang mga ari-arian, at ang kalahati ng lahat ng kanilang mga lupain. At sa gayon nagtapos ang ikaanimnapu at isang taon ng panunungkulan ng mga hukom.