2 Nephi 17:3–6

Pagkatapos sinabi ng Panginoon kay Isaias:

Humayo ngayon upang salubungin si Achas, [i]2298[/i] ikaw at si Sear-jasub na iyong anak, sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas sa lansangan ng parang ng tagalaba; At sabihin sa kanya:

Ikaw ay makinig,
_at tumahimik;
_huwag matakot,
_ni manlupaypay man ang iyong puso
_sa harapan ng dalawang sulong
_ito na umuusok,
_sa masidhing galit ni Resin at Siria,
_at sa anak ni Remalias.

Dahil ang Siria, Ephraim,
_at ang anak ni Remalias,
_ang nagbalak ng masama laban sa iyo, nagsasabing:

Umahon tayo laban sa Juda
_at ligaligin ito,
_at ating pasukin sila,
_at maglalagay ng hari sa gitna niyon,
_oo, ang anak ni Tabel.

From section: Ang Digmaan Laban sa Jerusalem

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary