2 Nephi 17:7–9

Ganito ang wika ng Panginoong Diyos:

Hindi ito magkakagayon,
_ni hindi ito mangyayari.

Sapagkat ang ulong lunsod ng Siria ay Damasco,
_at ang pangulo ng Damasco ay si Resin;
_at sa loob ng animnapu at limang taon
_ay magkakawatak-watak ang Ephraim, at hindi na ito magiging bayan.

At ang ulong lunsod ng Ephraim ay Samaria,
_at pangulo ng Samaria ang anak na lalaki ni Remalias.

Kung hindi kayo maniniwala
_ay tiyak na hindi kayo mananatili.

From section: Ang Digmaan Laban sa Jerusalem

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary