2 Nephi 23:11–13

At parurusahan ko ang daigdig dahil sa kanyang kasamaan,
_at ang masasama dahil sa kanilang kabuktutan;
_aking pipigilin ang kahambugan ng mga palalo,
_at aking ibababa ang pagmamataas ng malulupit.

Gagawin kong higit na mahalaga ang tao kaysa lantay na ginto;
_maging ang isang tao kaysa sa gintong sinsel ng Ofir.

Samakatwid,
_yayanigin ko ang kalangitan,
_at aalisin ko ang lupa sa kanyang kinalalagyan,
_sa kapootan ng Panginoon ng mga Hukbo,
_at sa araw ng kanyang masidhing galit.

From section: Propesiya Laban sa Babilonya

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary