At matutulad ito sa usang hinahabol,
_at tulad ng isang tupang walang pastol;
_at magbabalik ang bawat isa sa kani-kanyang bayan,
_at tatakas ang bawat isa sa kani-kanyang lupain.
Ang bawat palalo ay sisibatin;
_oo, at ang bawat isang aanib sa masama
_ay babagsak sa pamamagitan ng espada.
Ang kanilang mga anak
_din ay pagluluray-lurayin sa harapan ng kanilang mga mata;
_pagnanakawan ang kanilang mga tahanan at gagahasain ang kanilang mga asawa.