2 Nephi 24:18-20

Lahat ng hari ng mga bansa,
_oo, lahat sila, ay marangal na namamahinga,
_bawat isa sa kani-kanilang sariling tahanan.

Subalit itinapon kang malayo sa iyong libingan na tulad sa karumal-dumal na sanga,
_at ang labi ng mga yaong nasawi,
_na mga sinaksak ng espada,
_katulad ng bangkay na niyapak-yapakan ng mga paa
_kasama ng mga bumababa sa libingang bato.

Hindi mo makakasama sila sa libing,
_sapagkat winasak mo ang iyong lupain at pinatay mo ang iyong mga tao;
_ang mga binhi ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi kailanman kikilalanin.

From section: Ang Pagbagsak ng Babilonya

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary