Maghanda sa pagkakatay sa kanyang mga anak
_dahil sa kasamaan ng kanilang mga ama,
_upang hindi na sila magsibangon,
_ni angkinin ang lupain,
_ni punuin ng mga lunsod ang balat ng lupa.
Sapagkat babangon ako laban sa kanila,
_wika ng Panginoon ng mga Hukbo,
_at iwawaksi sa Babilonia ang pangalan,
_at labi,
_at anak na lalaki,
_at pamangkin na lalaki,
_wika ng Panginoon.
Gagawin ko ring pinaka-ari ng mga hayop na eriso,
_ang mga latian;
_at aking wawalisin ng pangwalis ng pagkawasak,
_wika ng Panginoon ng mga Hukbo.