Jacob 1:17–19

Anupa’t ako, si Jacob, ay ipinahayag sa kanila ang mga salitang ito habang tinuturuan ko sila sa templo, [i]2328[/i] [i]1376[/i] matapos kong matanggap ang aking tungkulin mula sa Panginoon. Sapagkat ako, si Jacob, at ang aking kapatid na si Jose ay itinalagang mga saserdote at guro ng mga taong ito, ng kamay ni Nephi. [i]1377[/i]

At tinupad namin ang aming mga tungkulin sa Panginoon, sa pagtanggap ng pananagutan, sa pagsagot sa mga kasalanan ng mga tao sa aming sariling mga ulo kung hindi namin sila tuturuan ng salita ng Diyos nang buong pagsusumigasig; anupa’t sa pamamagitan ng puspusang pangangaral ay hindi marurumihan ng kanilang dugo ang aming mga kasuotan; kung hindi ay marurumihan ng kanilang mga dugo ang aming mga kasuotan, at hindi kami matatagpuang walang bahid-dungis sa huling araw.

From section: Pambungad

From page: Ang Talumpati ni Jacob sa Templo

Commentary