Jacob 2:1–3

Ang mga salitang sinabi ni Jacob, kapatid ni Nephi, sa mga tao ni Nephi, [i]2329[/i] matapos ang pagpanaw ni Nephi:

Ngayon, mga minamahal kong kapatid, ako, si Jacob, alinsunod sa pananagutan kung saan ako ay napapasailalim sa Diyos, na tuparin ang aking tungkulin nang mataimtim, at upang malinis ko ang aking mga kasuotan sa mga kasalanan ninyo, ako ay nagtungo sa templo sa araw na ito upang ipahayag sa inyo ang salita ng Diyos. At nalalaman na rin ninyo na noon pa ay masigasig na ako sa aking tungkulin; subalit sa panahong ito ako ay labis na nabibigatan dahil sa aking labis na paghahangad at pag-aalaala para sa kapakanan ng inyong mga kaluluwa kaysa noon.

From section: Pambungad

From page: Ang Talumpati ni Jacob sa Templo

Commentary