2 Nephi 6:1–3

Ang mga salita ni Jacob, na kapatid ni Nephi, na kanyang sinabi sa mga tao ni Nephi: [i]2285[/i]

Masdan, mga minamahal kong kapatid, ako, si Jacob, na tinawag ng Diyos, at inordenan alinsunod sa kanyang banal na orden, at itinalaga ng aking kapatid na si Nephi, na inyong kinikilala bilang isang hari o isang tagapagtanggol, at kung kanino kayo ay umaasa para sa kaligtasan, masdan inyong nalalaman na lubhang maraming bagay na ang aking nasabi sa inyo.

Gayon pa man, ako ay nagsasalitang muli sa inyo; sapagkat inaalaala ko ang kapakanan ng inyong mga kaluluwa. Oo, labis ang aking pag-aalaala sa inyo; at nalalaman din ninyo na noon pa man ay nag-aalaala na ako. Sapagkat akin kayong pinagpayuhan nang buong sigasig; at itinuro ko sa inyo ang mga salita ng aking ama; at nangusap ako sa inyo hinggil sa lahat ng bagay na nasusulat, mula sa pagkakalikha ng daigdig.

From section: Itinalakay ni Jacob ang Isaias

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary