At ngayon, masdan, ako ay mangungusap sa inyo hinggil sa mga bagay na nangyayari, at yaong mga mangyayari pa; kaya nga, babasahin ko sa inyo ang mga salita ni Isaias. At yaon ang mga salitang ninanais ng aking kapatid na aking sabihin sa inyo. At ako ay nangungusap sa inyo para sa inyong sariling kapakanan, upang matuto kayo at papurihan ang pangalan ng inyong Diyos.
At ngayon, ang mga salitang aking babasahin ay yaong mga sinabi ni Isaias hinggil sa buong sambahayan ni Israel; anupa’t ang mga iyon ay maaaring ihalintulad sa inyo, sapagkat kayo ay kabilang sa sambahayan ni Israel. At maraming bagay ang mga nasabi ni Isaias na maaaring ihalintulad sa inyo, sapagkat kayo ay kabilang sa sambahayan ni Israel.