2 Nephi 6:6–7

At ngayon, ito ang mga salita: Ganito ang wika ng Panginoong Diyos:

Masdan, itataas ko ang aking kamay sa mga Gentil,
_at itatayo ko ang aking sagisag sa mga tao;
_at kakalungin nila ang iyong mga anak na lalaki sa kanilang mga bisig,
_at ang iyong mga anak na babae ay papasanin
_sa kanilang mga balikat.

At mga hari ang iyong magiging mga tagakandiling ama,
_at ang kanilang mga reyna ay iyong mga tagakandiling ina;
_magsisiyukod sila sa iyo
_na ang kanilang mga mukha ay nasa lupa,
_at hihimurin ang alikabok ng iyong mga paa;
_at iyong makikilala na ako ang Panginoon;
_sapagkat ang mga naghihintay sa akin ay hindi mahihiya.

From section: Itinalakay ni Jacob ang Isaias

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary