2 Nephi 9:8–9

O ang karunungan ng Diyos, ang kanyang awa at biyaya! Sapagkat masdan, kung ang katawang ito ay hindi na babangon pang muli ang ating espiritu ay tiyak na mapapasailalim sa anghel na yaon na itinakwil mula sa kinaroroonan ng Diyos na Walang Hanggan, at naging diyablo, upang hindi na bumangon pang muli.

At ang ating mga espiritu ay tiyak na matutulad sa kanya, at tayo ay magiging mga diyablo, mga anghel ng diyablo, upang masarahan mula sa kinaroroonan ng ating Diyos, at manatiling kasama ng ama ng kasinungalingan, sa kalungkutan, katulad ng kanyang sarili; oo, sa nilikhang yaon na dumaya sa ating mga unang magulang, na nag-anyo sa kanyang sarili na halos katulad ng isang anghel ng liwanag, at pinukaw ang mga anak ng tao sa mga lihim na pagsasabwatan ng pagpaslang at lahat ng uri ng lihim na gawain ng kadiliman.

From section: Ipinaliwanag Ni Jacob Ang Pagbabayad-sala, Muling-pagkabuhay at Ang Paghuhukom

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary