2 Nephi 10:3–6

Samakatwid, tulad ng nasabi ko sa inyo, talagang kinakailangan lamang na si Cristo—sapagkat sa nakaraang gabi ay sinabi sa akin ng anghel na ito ang magiging pangalan niya—ay paroroon sa mga Judio, sa mga yaong higit na masasama sa daigdig; at kanilang ipapako siya—sapagkat minarapat ito ng ating Diyos, at wala nang ibang bansa sa mundo na magpapako sa kanilang Diyos. [i]1154[/i]

Sapagkat kung ang mga makapangyarihang himala ay gawin sa mga ibang bansa sila ay magsisisi, at kikilalanin na siya ang kanilang Diyos. Subalit dahil sa mga huwad na pagkasaserdote at mga kasamaan, sila na nasa Jerusalem ay patitigasin ang kanilang mga leeg laban sa kanya, kaya nga siya ay ipapako sa krus. Samakatwid, dahil sa kanilang mga kasamaan, mga pagkalipol, taggutom, salot, at pagdanak ng dugo ay sasapit sa kanila; at sila na hindi malilipol ay ikakalat sa lahat ng bansa. [i]2290[/i]

From section: Ang Panunumbalik ng Israel

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary