Sapagkat katulad nito, ang mga tubig ng Noe sa akin,
_sapagkat katulad ng aking isinumpa na ang mga tubig ng Noe
_ay hindi na aagos pa sa lupa,
_sa gayon ako ay sumumpang hindi na ako mapopoot sa iyo.
Sapagkat ang mga bundok ay maglalaho at ang mga burol ay maaalis,
_ngunit ang aking kabaitan kailanman ay hindi maglalaho sa iyo,
_ni ang tipan ng aking kapayapaan ay maaalis,
_wika ng Panginoon na naaawa sa iyo.