O ikaw na nahirapan, na sinisiklot ng unos, at hindi naaliw!
Masdan, ilalatag ko ang iyong mga bato nang may maiinam na kulay,
_at lalatagan ang iyong mga saligan ng mga sapiro.
At gagawin kong agata ang iyong mga durungawan,
_at karbungko ang iyong mga pintuang-bayan,
_at mahahalagang bato ang iyong mga hangganan.
At lahat ng iyong mga anak ay tuturuan ng Panginoon;
_at malaki ang magiging kapayapaan ng iyong mga anak.