At pagkatapos kayo, na mga labi ng sambahayan ni Jacob,
_ay magtutungo sa kanila;
_at kayo ay mapapasagitna nila
_na magiging marami;
At kayo ay mapapasama sa kanila
_katulad ng isang leon sa mga hayop sa gubat,
_at kagaya ng isang batang leon sa mga kawan ng tupa,
_na kapag nakapasok, siya ay susunggaban
_at pagluluray-lurayin,
_at walang makapagliligtas.
Ang iyong mga kamay ay itataas sa iyong mga kaaway,
_at ang lahat ng iyong mga kaaway ay lilipulin.