At aking titipuning sama-sama ang aking mga tao
_katulad ng isang tao na nag-iipon ng kanyang mga bungkos sa sahig ng giikan.
Sapagkat gagawin ko ang aking mga tao
_kung kanino nakipagtipan ang Ama,
_oo, gagawin kong bakal ang iyong sungay,
_at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko.
At iyong luluray-lurayin ang maraming tao;
_at aking ilalaan ang kanilang pakinabang sa Panginoon,
_at ang kanilang kabuhayan sa Panginoon ng buong mundo.
At masdan, ako ang siyang gagawa nito.