Huwag kayong manggilalas na sinabi ko sa inyo na ang mga lumang bagay ay lumipas na, at lahat ng bagay ay naging bago. Masdan, sinasabi ko sa inyo na ang mga batas na ibinigay kay Moises ay natupad na. Masdan, ako ang siyang nagbigay ng mga batas, at ako ang siyang nakipagtipan sa aking mga taong Israel; anupa’t ang mga batas sa akin ay natupad na, sapagkat ako ay naparito upang tuparin ang mga batas; kaya nga iyon ay nagkaroon ng katapusan.