[3 Nephi 15:2–15:10] Huwag sirain ang mga propeta

Masdan, hindi ko winawasak ang mga propeta, sapagkat kasindami ng hindi pa natutupad sa akin, katotohanang sinasabi ko sa inyo, lahat ay matutupad. At sapagkat sinabi ko sa inyo na ang mga lumang bagay ay lumipas na, hindi ko winawasak yaong mga sinabi na hinggil sa mga bagay na darating. Sapagkat masdan, ang tipan ko na ipinakipagtipan sa aking mga tao ay hindi pa natutupad na lahat; subalit ang mga batas na ibinigay kay Moises ay nagtapos sa akin.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary