Makipagkasundo kayo agad sa inyong kaaway samantalang kayo ay kasama niya sa daan, baka sa anumang sandali kayo ay dakpin niya at itapon kayo sa bilangguan. Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, kayo sa anumang paraan ay hindi makalalabas doon hanggang sa mabayaran ninyo ang kahuli-hulihang senine. At samantalang kayo ay nasa bilangguan mababayaran ba ninyo maging ang isang senine? Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, Hindi.