Masdan, isinulat nila noong unang panahon, na huwag kayong makikiapid; Ngunit sinasabi ko sa inyo, na sinuman ang tumingin sa isang babae, taglay ang pagnanasa sa kanya, ay nagkasala na ng pakikiapid sa kanyang puso. Masdan, ibinibigay ko sa inyo ang isang kautusan, na huwag ninyo pahintulutan na ang mga bagay na ganito ay pumasok sa inyong mga puso; Sapagkat higit na mabuting pagkaitan ninyo ang inyong sarili ng mga bagay na ito, kung saan ninyo papasanin ang inyong krus, kaysa sa kayo ay ihagis sa impiyerno.