[3 Nephi 12:1 – 13:24] Pribadong abuloy

Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko na nais ko na kayo ay maglimos sa mga maralita; ngunit mag-ingat kayo na ang inyong paglilimos ay hindi ginagawa sa harapan ng mga tao upang makita nila; kung hindi ay wala kayong tatanggaping gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit. Kaya nga, kung kayo ay maglilimos huwag ninyong hihipan ang pakakak sa harapan ninyo, gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sila ay papurihan ng tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, mayroon na silang gantimpala. Ngunit kung kayo ay maglilimos, huwag hayaang malaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; Upang ang inyong paglilimos ay malihim; at ang inyong Ama na nakakikita nang lihim, siya na rin ang maggagantimpala sa inyo nang hayagan.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary