At kung kayo ay mananalangin, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga mapagkunwari, sapagkat iniibig nilang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan, upang sila ay makita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, mayroon na silang gantimpala. Ngunit kayo, kung kayo ay mananalangin, pumasok kayo sa inyong silid, at kung maisara na ninyo ang inyong pintuan, manalangin kayo sa inyong Ama na nasa lihim; at ang inyong Ama, na nakakikita nang lihim, ay gagantimpalaan kayo nang hayagan. Huwag nga kayong tumulad sa kanila, sapagkat nalalaman ng inyong Ama ang mga bagay na kailangan ninyo bago pa kayo humingi sa kanya. Ngunit kung kayo ay mananalangin, huwag gumamit ng mga walang kabuluhang paulit-ulit, gaya ng ginagawa ng mga di binyagan, sapagkat iniisip nila na diringgin sila sa labis na kasasalita. [i]3031[/i]