2 Nephi 5:11–13

At ang Panginoon ay sumaamin; at kami ay labis na umunlad; sapagkat naghasik kami ng binhi, [i]2713[/i] at muli kaming umani nang masagana. At kami ay nagsimulang mag-alaga ng mga kawan ng tupa at baka, at mga hayop na iba’t ibang uri.

At ako, si Nephi, ay dinala rin ang mga talaang nakaukit sa mga laminang tanso; at gayon din ang bola, o aguhon, na inihanda para sa aking ama ng kamay ng Panginoon, alinsunod sa nasusulat.

At ito ay nangyari na, na kami ay nagsimulang umunlad nang labis, at dumami sa lupain.

From section: Ang Paninirahan ng mga Nephita

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary