At ako, si Nephi, ay kinuha ang espada ni Laban, at alinsunod sa pagkakagawa nito ay gumawa ng maraming espada, [i]1094[/i] baka sa anumang paraan ang mga tao na ngayon ay tinatawag na mga Lamanita ay sumalakay sa amin at kami ay lipulin; sapagkat nalalaman ko ang pagkapoot nila sa akin at sa aking mga anak at sa kanila na tinatawag na aking mga tao.
At tinuruan ko ang aking mga tao na magtayo ng mga gusali, [i]2280[/i] at kayarian ng lahat ng uri ng kahoy, at ng bakal, at ng tanso, at ng asero, at ng ginto, at ng pilak, at ng mahahalagang inang mina, na lubhang napakarami. [i]2279[/i]
At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay pinapangyaring maging masisipag ang aking mga tao, at gumawa sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. [i]1349[/i]