Sapagkat masdan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita ay nalikha ang tao sa ibabaw ng mundo, kung aling mundo ay nilikha sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Anupa’t kung ang Diyos ay may kakayahang magsalita at ang daigdig ay nalikha, at nagsalita at nalikha ang tao, O ngayon, bakit hindi magagawang utusan ang mundo, o ang likha ng kanyang mga kamay sa ibabaw nito, alinsunod sa kanyang kalooban at kasiyahan?