Kaya nga, mga kapatid, huwag hangaring pagpayuhan ang Panginoon, kundi tumanggap ng payo mula sa kanyang kamay. Sapagkat masdan, kayo na rin sa inyong sarili ay nalalamang nagpapayo siya sa karunungan, at sa katarungan, at sa dakilang pagkaawa, sa lahat ng kanyang gawa. Kung gayon, mga minamahal na kapatid, makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang kanyang Bugtong na Anak, at maaaring matamo ninyo ang pagkabuhay na mag-uli, alinsunod sa kapangyarihan ng pagkabuhay na mag-uli na na kay Cristo, at ihahandog bilang mga unang bunga ni Cristo sa Diyos, na may pananampalataya, at magtamo ng mabuting pag-asa sa kaluwalhatian na nasa kanya bago niya ipakita ang sarili sa laman.