At labis kaming dumami, at nagsikalat sa ibabaw ng lupain, at naging labis na mayaman sa ginto, at sa pilak, at sa mahahalagang bagay, at sa mahusay na pagyari ng kahoy, [i]2362[/i] sa mga gusali, at sa mga makinarya, at gayon din sa bakal at tanso, at asero, gumagawa ng lahat ng uri ng kagamitan ng bawat uri upang makapagbungkal ng lupa, at mga sandata ng digmaan—oo, ang matulis na palaso, at ang sisidlan ng pana, at ang tunod, at ang sibat, at lahat ng paghahanda para sa digmaan.
At sa gayon nakahandang harapin ang mga Lamanita, hindi sila namayani laban sa amin. Subalit ang salita ng Panginoon ay napatunayan, na kanyang sinabi sa aming mga ama, sinasabi na:
Habang inyong sinusunod ang aking mga kautusan,
_kayo ay uunlad sa lupain.