Jarom 10–13

At ito ay nangyari na, na binigyang-babala ng mga propeta ng Panginoon ang mga tao ni Nephi, alinsunod sa salita ng Diyos, na kung hindi nila susundin ang mga kautusan, bagkus ay mahuhulog sa paglabag, na kinakailangan silang lipulin mula sa ibabaw ng lupain. Kaya nga, ang mga propeta, at ang mga saserdote, at ang mga guro, ay masisigasig na nagpagal, [i]2363[/i] pinapayuhan nang may mahabang pagtitiis ang mga tao na magsumigasig; itinuturo ang mga batas ni Moises, at ang hangarin ng pagbibigay nito; hinihikayat silang umasa sa Mesiyas, at maniwalang siya ay paparito na para bagang pumarito na siya. At sa ganitong pamamaraan nila tinuruan sila.

From section: Ang Ministeryo ni Jarom

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary