Masdan, ako si Amaleki, ang anak na lalaki ni Abinadom. Masdan, ako ay mangungusap sa inyo kahit paano hinggil kay Mosias, na siyang ginawang hari sa lupain ng Zarahemla; sapagkat masdan, siya na binigyang-babala ng Panginoon [i]2739[/i] na dapat siyang tumakas palabas ng lupain ng Nephi, [i]2364[/i] at kasindami ng makikinig sa tinig ng Panginoon ay nararapat ding lisanin ang lupain na kasama niya, [i]2365[/i] patungo sa ilang—
At ito ay nangyari na, na ginawa niya ang naaayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon. At nilisan nila ang lupain patungo sa ilang, [i]2740[/i] kasindami ng nakinig sa tinig ng Panginoon; at pinatnubayan sila sa pamamagitan ng maraming pangangaral at pagpopropesiya. At patuloy silang pinaaalalahanan sa pamamagitan ng salita ng Diyos; at inakay sila sa pamamagitan ng lakas ng kanyang bisig, mula sa ilang hanggang sa makarating sila sa lupaing tinatawag na lupain ng Zarahemla. [i]2742[/i]