Gayon pa man, matapos ang maraming araw na paglalakbay sa ilang, itinayo namin [Si Zenif at ang kanyang pangkat] ang aming mga tolda... na malapit sa lupain ng aming mga ama. At ito ay nangyari na, na ako ay nagtungong muli kasama ang apat sa aking mga tauhan sa lunsod [Lupain ng Nephi], patungo sa hari [ng mga Lamanita], upang malaman ko ang kalooban ng hari, at upang malaman ko kung maaari akong pumasok kasama ang aking mga tao at angkinin ang lupain nang mapayapa.