1 Nephi 11:30–31

At ito ay nangyari na, na muling nangusap sa akin ang anghel, sinasabing:

Tingnan!

At tumingin ako, at namasdan ko na muling bumukas ang kalangitan, at nakita kong bumababa ang mga anghel sa mga anak ng tao; [i]2160[/i] at sila ay naglingkod sa kanila. At muli siyang nangusap sa akin, sinasabing:

Tingnan!

At tumingin ako, at namasdan ko ang Kordero ng Diyos na nakikisalamuha sa mga anak ng tao. [i]1007[/i] At namasdan ko ang maraming tao na may karamdaman, [i]2161[/i] at yaong mga naghihirap sa lahat ng uri ng sakit, at nasasapian ng mga diyablo at masasamang espiritu; at nangusap ang anghel at ipinakita ang lahat ng bagay na ito sa akin. At pinagaling sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kordero ng Diyos; [i]1009[/i] at pinalayas ang mga diyablo at ang masasamang espiritu.

From section: Ipinakita ng Anghel Ang Pagdating ni Hesus sa Hinaharap

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary