Ang Pangitain ni Nephi
- 1 Nephi 11:1
- Si Nephi ay nadala sa espiritu sa tuktok ng isang bundok.
- 1 Nephi 11:2–3
- Nakipagtagpo siya sa Espiritu ng Diyos, na nagtanong sa kanya kung ano ang kanyang naisin—sinabi ni Nephi na nais niyang makita kung ano ang nakita ng kanyang ama.
- 1 Nephi 11:4–5
- Tinanong ng Espiritu si Nephi kung naniniwala siya sa salita ng kanyang Ama. Si Nephi ay naniniwala.
- 1 Nephi 11:6–7
- Pinuri ng Espiritu ang Diyos at pinapurihan si Nephi sa kanyang pananampalataya.
- 1 Nephi 11:8–9
- Nakita ni Nephi ang puno na nakita ni Lehi.
- 1 Nephi 11:10–11
- Nagtanong si Nephi upang malaman kung ano ang kinakatawan ng puno.
- 1 Nephi 11:12
- Ang Espiritu ay biglang naglaho.
- 1 Nephi 11:13–15
- Nang lumaon ay bigla nalang si Nephi ay nakita ang lunsod ng Jerusalem at ang napakagandang dalaga; isang anghel ang lumitaw upang gabayan si Nephi.
- 1 Nephi 11:16–17
- Tinanong ng anghel si Nephi tungkol sa kung ano ang naiintindihan niya sa malamesias na propesiya; ipinagtapat ni Nephi ang kanyang kawalan ng kaalaman at pangunawa.
- 1 Nephi 11:18
- Ipinaliwanag ng anghel na ang dalagita ay ang ina ng Anak ng Diyos.
- 1 Nephi 11:19–21
- Nakita ni Nephi ang sanggol na si Jesus.
- 1 Nephi 11:21–23
- Ipinaliwanag ng anghel na ang puno sa pangitain ni Lehi ay kumakatawan kay Jesus, ang sagisag ng pag-ibig ng Diyos.
- 1 Nephi 11:24–25
- Nakita ni Nephi ang buhay ni Jesus; ang gabay na bakal, ang bukal ng tubig, at ang puno na lahat ay kumakatawan kay Cristo at kanyang ebanghelyo.
- 1 Nephi 11:26–27
- Nakita ni Nephi ang binyag ni Jesus.
- 1 Nephi 11:28
- Nakita ni Nephi si Jesus na nagtuturo sa mga tao, at ang pagtanggi sa kanya.
- 1 Nephi 11:29
- Nakita ni Nephi ang labing-dalawang apostol.
- 1 Nephi 11:30–31
- Nakita ni Nephi ang mga himala at pagpapagaling ni Cristo.
- 1 Nephi 11:32–33
- Nakita ni Nephi ang pagbitay kay Jesus sa krus.
- 1 Nephi 11:34–36
- Nakita ni Nephi ang pagbagsak ng malaking gusali sa panaginip ni Lehi; kinakatawan nito ang lubos na kabiguan ng mga yaong sumasalungat sa Panginoon.
- 1 Nephi 12:1
- Nakita ni Nephi ang kanyang mga inapo sa lupang pangako.
- 1 Nephi 12:2–3
- Nakakita si Nephi ng maraming digmaan sa paglipas ng maraming taon.
- 1 Nephi 12:4–5
- Nakita ni Nephi ang mga nakakikilabot na mga natural na sakuna at mga pagkawasak sa lupang pangako na kaugnay ng kamatayan ni Cristo; maraming namatay, ang ilan ay nakaligtas.
- 1 Nephi 12:6
- Nakita ni Nephi si Jesus na nagpakita sa mga nakaligtas.
- 1 Nephi 12:7–10
- Nakita ni Nephi na labing-dalawang disipulo ang tinawag.
- 1 Nephi 12:11–12
- Nakita ni Nephi ang mabuting epekto ng pagbisita ni Jesus sa kanyang kabihasnan.
- 1 Nephi 12:13–15
- Pagkatapos ay nakita ni Nephi na ang kanyang mga inapo ay nangagtitipon upang makidigma laban sa isa’t-isa.
- 1 Nephi 12:16–18
- Ikinumpara ng anghel ang kapalaluan ng mga tao at kawalang-kabuluhan sa malaking gusali sa panaginip ni Lehi.
- 1 Nephi 12:19–21
- Nakita ni Nephi na ang mga inapo ng kanyang mga kapatid na lalaki ay nilipol ang sa kanya.
- 1 Nephi 12:22–23
- Nakita ni Nephi na ang mga labi sa mga tao ay naging masasama at mga walang Diyos.
- 1 Nephi 13:1–3
- Nakita ni Nephi ang maraming mga bansa at kaharian ng mga bansang hentil.
- 1 Nephi 13:4–6
- Nakita ni Nephi ang pagbubuo ng isang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan.
- 1 Nephi 13:7–9
- Nakita ni Nephi na ang kayamanan at pananalapi ang dahilan ng kabuktutan.
- 1 Nephi 13:10–11
- Nakita ni Nephi ang tubig na naghihiwalay sa mga Gentil mula supling ng kaniyang mga kapatid ’, kung kanino ang Diyos ay galit.
- 1 Nephi 13:12–13
- Nakita ni Nephi ang isang lalaki, kasama ng iba pang mga Hentil, na tumawid sa mga tubig at natuklasan ang mga yaong inapo ng mga kapatid na lalaki ni Nephi na nasa lupang pangako.
- 1 Nephi 13:14–15
- Nakita ni Nephi ang kolonisasyon ng lupang pangako sa pamamagitan ng mga Hentil.
- 1 Nephi 13:16–19
- Nakita ni Nephi na ang mga Hentil ay pinagpala ng makalangit na pagkalinga.
- 1 Nephi 13:20–22
- Nakita ni Nephi ang isang hindi pa tukoy na aklat sa mga Hentil.
- 1 Nephi 13:23
- Ipinaliwanag ng anghel na ang aklat na kanyang nakita ay ang talaan ng mga Hudyo.
- 1 Nephi 13:24–27
- Sinabi ng anghel na ang aklat ay naglalaman ng salita ng Diyos, na nasira at binago ng mga masasamang tao.
- 1 Nephi 13:28–29
- Ang anghel ay nagpatuloy sa pagsasalaysay kay Nephi tungkol sa mga kasiraan sa aklat at kung paano ito naging sanhi ng pagkaligalig sa maraming tao.
- 1 Nephi 13:30–32
- Sinabi ng anghel na ang Diyos ay hindi naghahangad na ang kanyang mga tao ay mapunta sa kalagayan ng kabuktutan.
- 1 Nephi 13:33–34
- Ang Diyos ay nangako na ibabalik ang lahat nang mga kinuha at nawala sa kanyang ebanghelyo.
- 1 Nephi 13:35–37
- Ipinaliwanag ni Jesukristo na ang kabihasnan ni Nephi ay magtitipon ng mga talaan na naglalaman ng salita ng Diyos, na siyang mahuhukay sa panahong hinaharap, sa gayon maipanunumbalik ang mga yaong bagay na nawala.
- 1 Nephi 13:38–39
- Nakita ni Nephi ang iba pang mga banal na aklat na inilabas din; amg mga aklat na ito ay nagpapatunay, pinagtitibay, at sinusuportahan ang isa’t isa.
- 1 Nephi 13:40–41
- Ipinaliwanag pa ng anghel kung papaanong ang mga talaang ito ay may mahalagang katayuan sa pagtatalaga sa naunang talaan.
- 1 Nephi 13:42 – 14:1–4
- Nakita ni Nephi na ang mga Gentil sa huli ay tatanggapin si Cristo, at magiging bahagi ng mga pinagkatipanang tao, na magpasa-hanggang gayon ay eksklusibong binubuo parin ng mga Hudyo.
- 1 Nephi 14:5–7
- Ang anghel ay nagsalita tungkol sa awa ng Diyos at ang patuloy na pagkakataon upang magsisi.
- 1 Nephi 14:8
- Pinaalalahanan ng anghel si Nephi sa nakaraang tipan ng Diyos sa Israel.
- 1 Nephi 14:9–10
- Binigyang-diin ng anghel ang mga kahihinatnan ng pagsapi sa makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan.
- 1 Nephi 14:11–12
- Nakita ni Nephi ang simbahan ng Diyos, na kakaunti ang bilang, kumpara sa malahalimaw na impluwensiya ng kasamaan sa mundo.
- 1 Nephi 14:13–15
- Nakita ni Nephi ang galit ng Diyos sa masasama.
- 1 Nephi 14:16–17
- Nakita ni Nephi ang malaking digmaan laban sa masasama.
- 1 Nephi 14:18–23
- Nakita ni Nephi si Juan, isa sa mga apostoles ni Jesus.
- 1 Nephi 14:24–27
- Nakita ni Nephi si Juan na isinusulat ang Apokalipsis.
- 1 Nephi 14:28–30
- Si Nephi ay pinagbawalang magsulat pa ng anuman sa mga bagay na kanyang nakita at narinig, at tinapos ang ulat ng kanyang pangitain.