At nangusap ang anghel sa akin, sinasabing:
Masdan ang bukal ng maruming tubig na nakita ng iyong ama; [i]2170[/i] oo, maging ang ilog na kanyang sinabi; at ang kailaliman nito ay kailaliman ng impiyerno. At ang abu-abo ng kadiliman ay mga tukso ng diyablo, na bumubulag sa mga mata, at nagpapatigas sa mga puso ng mga anak ng tao, na umaakay sa kanila palayo patungo sa maluluwang na lansangan, kaya sila nasasawi at naliligaw.
At ang malaki at maluwang na gusali, na nakita ng iyong ama, ay mga walang kabuluhang guni-guni at ang kapalaluan ng mga anak ng tao. At isang malalim at kakila-kilabot na look ang naghihiwalay sa kanila; oo, maging ang salita ng katarungan ng Diyos na Walang Hanggan, at ang Mesiyas na Kordero ng Diyos, na pinatototohanan ng Espiritu Santo, mula pa sa simula ng daigdig hanggang sa panahong ito, at mula sa panahong ito at magpakailanman.