1 Nephi 12:19–21

At habang sinasabi ng anghel ang mga salitang ito, namasdan ko at nakita na ang mga binhi ng aking mga kapatid ay nakipaglaban sa aking mga binhi, alinsunod sa salita ng anghel; at dahil sa kapalaluan ng aking mga binhi, at sa mga tukso ng diyablo, namasdan kong nadaig ng mga binhi ng aking mga kapatid ang mga tao ng aking mga binhi.

At ito ay nangyari na, na namasdan ko, at nakita na ang mga tao ng mga binhi ng aking mga kapatid ay nadaig ang aking mga binhi; [i]2171[/i] at maramihan silang kumalat sa ibabaw ng lupain. At nakita ko silang sama-samang nagtipon sa maraming tao; at nakita ko ang mga digmaan at alingawngaw ng mga digmaan sa kanila; [i]1013[/i] at sa mga digmaan at alingawngaw ng mga digmaan ay nakita ko ang paglipas ng maraming salinlahi.

From section: Ang Paghupa ng Angkan ni Nephi

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary