At nangusap ang anghel sa akin, sinasabing:
Ang mga huling talaang ito, [i]1024[/i] na nakita mo sa mga Gentil, ang magpapatibay sa katotohanan ng una, [i]1000[/i] na nagmula sa labindalawang apostol ng Kordero, at ipaaalam ang malilinaw at mahahalagang bagay na inalis sa mga yaon; at ipaaalam sa lahat ng lahi, wika, at tao, na ang Kordero ng Diyos ang Anak ng Amang Walang Hanggan, at ang Tagapagligtas ng sanlibutan; at na ang lahat ng tao ay kinakailangang lumapit sa kanya, o sila ay hindi maaaring maligtas.
At sila ay kinakailangang lumapit alinsunod sa mga salitang pagtitibayin ng bibig ng Kordero; at ang mga salita ng Kordero ay ipaaalam sa mga talaan ng iyong mga binhi, gayon din sa mga talaan ng labindalawang apostol ng Kordero; anupa’t kapwa ito pagtitibayin sa isa; sapagkat may isang Diyos at isang Pastol sa buong mundo. [i]2182[/i]