1 Nephi 13:42 – 14:1–4

At darating ang panahon na ipakikita niya ang sarili sa lahat ng bansa, [i]2183[/i] kapwa sa mga Judio at gayon din sa mga Gentil; at matapos na maipakita niya ang sarili sa mga Judio at gayon din sa mga Gentil, pagkatapos ay ipakikita niya ang sarili sa mga Gentil at gayon din sa mga Judio, at ang huli ay mauuna, at ang una ay mahuhuli.

At ito ay mangyayari, na kung makikinig ang mga Gentil sa Kordero ng Diyos sa araw na yaon na ipakikilala niya ang sarili sa kanila sa salita, at gayon din sa kapangyarihan, sa bawat gawa, hanggang sa pag-aalis ng kanilang batong kinatitisuran— At hindi patitigasin ang kanilang mga puso laban sa Kordero ng Diyos, sila ay mabibilang sa mga binhi ng iyong ama; oo, sila ay mabibilang sa sambahayan ni Israel; at sila ay magiging mga pinagpalang tao sa lupang pangako magpakailanman; hindi na sila muling madadala pa sa pagkabihag; at ang sambahayan ni Israel ay hindi na muling malilito pa.

At ang yaong malalim na hukay, [i]2184[/i] na hinukay para sa kanila ng yaong makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan, na itinatag ng diyablo at ng kanyang mga anak, upang maakay niya palayo ang mga kaluluwa ng tao pababa sa impiyerno—oo, yaong malalim na hukay na hinukay para sa pagkalipol ng tao ay mapupuno ng mga yaong humukay nito, tungo sa kanilang lubusang pagkalipol, wika ng Kordero ng Diyos; hindi ang pagkawasak ng kaluluwa, maliban sa pagwawaksi nito sa yaong impiyernong walang katapusan. Sapagkat masdan, ito ay alinsunod sa pagkabihag ng diyablo, at alinsunod din sa katarungan ng Diyos, sa lahat ng yaong gagawa ng kasamaan at karumal-dumal na gawain sa kanyang harapan.

From section: Ang Mga Karagdagang Banal na Kasulatan

From page: Ang Pangitain ni Nephi

Commentary