At ito ay nangyari na, na tumingin ako at namasdan ang dakilang lunsod ng Jerusalem, [i]2152[/i] at iba pang mga lunsod. At namasdan ko ang lunsod ng Nazaret; at sa lunsod ng Nazaret ay namasdan ko ang isang birhen, [i]2153[/i] at siya ay napakaganda at napakaputi. At ito ay nangyari na, na nakita kong bumukas ang kalangitan; at isang anghel ang bumaba at tumayo sa aking harapan; at sinabi niya sa akin:
Nephi, ano ang namamasdan mo? [i]1004[/i]
At sinabi ko sa kanya:
Isang birhen,
_pinakamaganda at kaakit-akit
_sa lahat ng iba pang birhen.